^

Probinsiya

Mag-asawang trader ninakawan, inutas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang matandang negos­yante matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang tahanan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Guadalupe, Carcar City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mag-asawa na sina Renerio Neri, 83; at Dolores Neri, 82, na nagmamay-ari ng 9 pampasaherong jeepney  na pinamamahalaan ng kanilang pamangkin sa Cebu City.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Rosendo Binondo pasado alas-4 ng hapon noong Linggo nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Sanggi sa nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, ang mag-asawa partikular na ang lalaki ay kilalang faith healer sa nasabing barangay at nagmamay-ari ng lupain sa Carcar City at sa bayan ng Alcoy subalit hindi sila nasangkot sa land dispute.

Ang bangkay ng mag-asawa ay unang nadiskubre ng pamangkin ni Dolores na si Gloria Alfafara matapos nitong mapansin bukas ang ilaw sa labas ng bahay bandang alas-8 ng umaga.

Pagsapit ng alas-4 ng hapon ay nagtataka siya kung bakit hindi lumalabas ng tahanan ang mag-asawa kaya napilitan itong mag-usisa kasama ang kapitbahay na si Ismael Aldebera, 60 kung saan nagimbal ang dalawa sa nadiskubre.

Posibleng noong Bi­yernes pa ng gabi o noong Sabado ng madaling araw pinaslang ang mag-asawa base sa pagkatuyo ng dugo habang narekober din ang tatlong basyo ng cal. 9mm pistol.

Nabatid pa na nagkalat sa silid ng mag-asawa ang mga papeles kung saan posible umanong may hinahanap na importanteng dokumento ang gunmen. Freeman News Service

vuukle comment

ASAWA

BARANGAY GUADALUPE

CARCAR CITY

CEBU CITY

DOLORES NERI

FREEMAN NEWS SERVICE

GLORIA ALFAFARA

ISMAEL ALDEBERA

MAG

RENERIO NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with