Pulis utas sa road mishap

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 28-anyos na pulis matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa punung kahoy sa gilid ng highway sa Barangay Cahaguikikan, Pototan, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala  ang biktima na si PO1 Erwin Batchica, nakatalaga sa Police Aviation Security Group ng police regional office 6. Naisugod pa sa Iloilo Medical Center subalit namatay din sanhi ng grabeng tinamong sugat sa ulo. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-8:50 ng umaga habang lulan ng Suzuki raider 150 motorcycle ang biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela kaya sumalpok sa puno ng mahogany na nasa tabi ng highway.

Show comments