^

Probinsiya

Obrero tinodas dahil sa inggit

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang isa sa motibo ang inggit kaya pinagbabaril at napatay ang isang obrero ng isa nitong kasamahan sa trabaho sa bulubunduking lugar sa ba­yan ng Alegria, Surigao del Norte kamakalawa. Kinilala ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang nasawi na si Rico Cahoy ng Barangay Alipao, Alegria. Pinaghahanap naman ang suspek na si Carlito Montilla ng bayan ng Esperanza, Agusan del Sur. Naganap ang krimen sa bulubundu­king bahagi ng Barangay Alipao bandang alas-12:05 ng tanghali.Nabatid na ang biktima at kasamahan nitong manggagawa ay inutusan ng kanilang amo na manguha ng kahoy sa kagubatan pero nang makakuha ng tiyempo ang suspek ay pinagbabaril ang biktima na napuruhan sa ulo. Samantala, ilang testigo naman ang nagturo sa biktima sa kakaiba umanong ikinikilos habang tumatakbo pababa ng kabundukan.

vuukle comment

AGUSAN

ALEGRIA

BARANGAY ALIPAO

CARAGA

CARLITO MONTILLA

ESPERANZA

KINILALA

MARTIN GAMBA

NABATID

RICO CAHOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with