^

Probinsiya

Mag-utol na killer ng UST graduate, tiklo

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang magkapatid na drug addict na nasa likod ng brutal na pagpatay sa isang babaeng cum laude ng University of Sto. Tomas na nagtamo ng 49 na saksak sa katawan  sa operasyon sa lalawigang ito kahapon ng madaling- araw.

Kinilala ni Sr. Supt. John Bulalacao, Director ng Ca­vite Provincial Office (PPO) ang mga nasakoteng suspek na sina Rolin Gaceta, 27-anyos at ang nakababata nitong kapatid na si Roel Gaceta Jr., 24; pawang residente ng Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Bandang alas-3 ng madaling-araw ng masakote ang mga suspek sa kanilang tirahan matapos na ituro ng testigo na dito huling nakitang sumakay ng tricycle ang biktima kasunod ng pagpapalabas ng P50,000 reward ng pamahalaang lungsod.

Nasamsam rin sa mag-utol ang shoulder bag ng biktima, ang screw driver na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Sa inisyal na interogas­yon ng pulisya ay i­namin ni Rolin na siya ang pumaslang sa biktimang si Cyrish Magalang, 20-anyos noong Miyerkules ng gabi kung saan kinabukasan ng umaga nadiskubre ang bangkay nito sa isang kubo sa Gawaran Heights, Molino 7, Bacoor City, Cavite.

Si Magalang, 20-anyos ay nagtapos na cum laude sa Tourism and Hospita­lity Management ay na­tagpuang nagtamo ng 49 saksak at pagkabasag ng mukha.

Nabatid na ang biktima ay pasahero ng tricycle na minamaneho ni Roel pero sa halip na ihatid sa destinasyon nito ay dinala ng magkapatid sa loob ng isang kubo kung saan pinagsasak­sak ni Rolin habang isa pa ang nagsilbing lookout.

Samantalang, taliwas naman sa naglabasang ulat na hinalay ang biktima, ni­linaw ng opisyal na lumitaw sa autopsy report na hindi ito ni-rape at posibleng nanlaban kaya pinagsasaksak ng bangag na suspek.

“Yung pag-iisip ko tulirung-tuliro dahil sa nag-away nga kami ng asawa ko tsaka naka-inom ako, naisipan ko mag-droga kaya nakagawa ako ng hindi maganda”, pag-amin ni Rolin sa radio interview ng DZMM pero itinangging ginahasa ang biktima na naibaba lamang umano niya ang short.
 Kasalukuyan namang sinisilip ang anggulo ng robbery/holdup dahilan nawawala ang cell phone at pera ng biktima.

 

BACOOR CITY

CYRISH MAGALANG

GAWARAN HEIGHTS

JOHN BULALACAO

MOLINO

PROVINCIAL OFFICE

ROEL GACETA JR.

ROLIN

ROLIN GACETA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with