Asset ng pulisya itinumba
MANILA, Philippines - Napatay ang 33-anyos na asset ng pulisya matapos na pagbabarilin ng ’di-kilalang lalaki sa bahagi ng waiting shed sa Barangay Taglatawan, Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng madaling araw. Napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 45 pistol at nasawi habang ginagamot sa Butuan Doctor’s Hospital ang biktimang si Ryan Adobas Enong ng nabanggit na barangay. Ayon sa mga imbestigador, kasalukuyang nakatayo ang biktima sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyan nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-2:45 ng madaling araw.
- Latest