^

Probinsiya

Misis inakusahang nangaliwa, nag-suicide

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines  – Patuloy na dumarami ang nagpapasalubong kay kamatayan kung saan isa namang misis na sinasa­bing i­nakusahan ng kanyang mister na nangaliwa ang nag-suicide matapos itong lumaklak ng lason sa Barangay Sta. Rosa sa bayan ng Delfin Albano, Isabela kahapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Manzanilla Hospital ang biktimang si Alma Espiritu 32, ng nasabing barangay.

Sa police report, lumilitaw na unang pinaalis sa kanilang tahanan ng mister na si Giovanni Espiritu, 45, ang biktima sa Sanchez Mira, Cagayan matapos madiskubreng may karelasyong ibang lalaki.

Kaagad namang umalis ang biktima at naninirahan sa kanyang mga magulang sa Barangay Sta. Rosa sa nabanggit na bayan.

Gayon pa man, sinundo ng mister ang kanyang misis sa bahay ng biyanan upang pakiusapang muling magsama at kalimutan na ang nakalipas subalit tumanggi ang biktima na hindi sumama.

Bunga nito, nagkaroon ng mainitang komprontasyon ang mag-asawa hanggang dumating sa puntong tinungga ng misis ang botelyang naglalaman ng pamatay-insekto kung saan nangisay at bumubula pa ang bibig sa harapan ng kanyang mister.

Mabilis namang isinugod ng mister ang asawa sa nasabing ospital subalit idineklarang patay ng mga manggagamot.

vuukle comment

ALMA ESPIRITU

BARANGAY STA

BUNGA

DELFIN ALBANO

GAYON

GIOVANNI ESPIRITU

ISABELA

KAAGAD

MANZANILLA HOSPITAL

SANCHEZ MIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with