ILAGAN CITY, Philippines - Pinaniniwalaang dahil sa katandaan, isang 84-anyos na lola ang iniulat na nasawi matapos mawalan ng balanse at nahulog sa palaisdaan na kanilang pag-aari sa Barangay Patanad sa bayan ng San Isidro, Isabela kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na huling namataang buhay ang biktimang si Maria Dela Cruz Baptista na umiihi sa gilid ng palaisdaan. Kinaumagahan ay natagpuan ng manugang na si Rolando ang bangkay ng biktima na nakalutang sa palaisdaan.