MANILA, Philippines - Matapos pumang-apat noong nakalipas na taon, naging “Best Island in the World” ang pamosong Boracay Island matapos iproklama ng TravelandLeisure.com, isang website na nagpe-features ng mga best destinations at getaways mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
“The results show that no distance is too great when a fabulous island waits as your reward. So whether your island hopping takes you across the country or around the world, here’s where to go to find secluded beaches, wildlife encounters, and luxurious pampering,” nakasaad sa nasabing website.
Inihalintulad ng mga travalers sa TravelandLeisure.com na ang Boracay Island ay pinaka-best beach sa buong mundo dahil sa 2.5-mile stretch of powder-white sands kung saan pinaka-world softest kaysa buhangin sa Sulu Sea.
Pumangalawa naman ang Bali sa Indonesia habang ikatlo naman ang Galapagos Islands sa Ecuador, at ang Maui sa Hawaii, ang ikaapat.
Samantala, nasa ikalimang puwesto ang Australia’s Great Barrier Reef Islands.
Ikaanim naman ang Santorini sa Greece habang ang Kauai at Big Island sa Hawaii ay nasa ikapito at ikawalong puwesto.
Ang Sicily sa Italy ay ika-9 habang ang Vancouver Island sa British Columbia ay ika-10.
Bago pa ideklarang Best Island in the World, ang Boracay Island ay napaulat na sa The Freeman noong Hunyo 2012 sa British Broadcasting Corporation (BBC) na kasama ang Cebu’s Malapascua Island sa kanilang listahan na best beaches in the Philippines kaya isinama ng tourism department sa 2012 National Tourism Development Plan.