Desperadong mister nag-suicide

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 59-anyos na mister na sinasabing desperado sa buhay matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng tahanan sa Barangay Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite kamaka­lawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Dasmariñas PNP, napuruhan sa baba na lumagos sa ulo ni Eduardo Limpin. Lumilitaw na mag-isang natulog ang biktima habang ang misis nito ay natulog sa kuwarto ng kanilang apo nang isagawa ang pagpapakamatay. Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim sa post-mortem examination ang bangkay nito habang narekober naman ang cal. 38 revolver na sinasa­bing ginamit sa suicide.

Show comments