Special child dedo sa sunog

RIZAL , Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 23-anyos na sinasabing special child matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Robinsons Home sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw. Ayon kay SFO2 Niño Anore ng Bureau of Fire Protection ng Rizal, nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-12:05 ng madaling araw kung saan naapula naman ang sunog matapos ang kalahating oras. Narekober ang bangkay ng biktimang si Kenneth John Rivera sa loob ng palikuran ng kanilang tahanan. Sinasabing pansamantalang iniwan ng kanyang kapatid na lalaki ang biktima subalit nang bumalik ay nilalamon na ng apoy ang kanilang tahanan habang patuloy naman ang imbestigasyon. Mer Layson

Show comments