Lolo dinedo sa basketball court

STA.MARIA, Bulacan , Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 59-anyos na lolo na sinasabing nanghalay ng 14-anyos na estudyante makaraang itong pagsasaksakin ng tiyuhin ng dalagita sa Barangay Tumana sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Eduardo Cañega Jr., habang naaresto naman ang suspek na si Joey Encipido, 24, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo, nakipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan kasama ang suspek kung saan matapos malasing ay tinungo ang bahay ng kanyang dating ka-live-in. Dito dinatnan ng biktima ang dalagitang natutulog sa sopa kaya sinamantala nitong halayin subalit nakahingi ng saklolo sa suspek. Kaagad naman hinabol ng suspek ang biktima kung saan inabot ito sa basketball court saka pinatay sa saksak.

Show comments