Mag-ina tiklo sa pampasabog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-ina matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pag-ijngat ng kilu-kilong pampasabog sa Barangay Busing sa bayan ng San Pascual, Masbate kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mag-inang Gina Gigantoca at Gino Gigantoca habang tinutugis naman ang nakatakas na mag-utol na sina Efren Gigantoca at Allan Gigantoca na pawang nakatira sa Sitio Ki-Brada sa nasabing barangay. Ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng tatlong search warrant na inisyu ni Judge Amy Ana de villa - Rosero ng Ligao City Regional Trial Court Branch 11. Nasamsam sa mga suspek ang 30.3 kilong pampasabog, 327 blasting cup, shotgun at ilang gamit sa pampasabog.

Show comments