^

Probinsiya

2 pulis, driver nahulog sa bangin, patay

- Joy Cantos - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa tatlong kalalakihan kabilang na ang dalawang pulis habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang patrol car sa malalim na bangin sa matarik na bahagi ng Barangay Mantalognon sa bayan ng Dalaguete, Cebu kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasa­wing sina PO3 Christopher, PO1 Gino Ursunal at ang driver ng lokal na pamahalaan na tinukoy sa palayaw na Dick habang ginagamot naman sa ospital ang sugatang si P03 Alan Sanoy.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pabalik na sa himpilan ng pulisya ang mga biktima mula sa binantayang kapistahan nang mahulog sa may 160 talampakang lalim ng bangin.

Nabatid na bukod sa matarik ay baku-bakong  pakurbada ang kalsada kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho ng sasakyan na isang kawani ng lokal na pamahalaan na hindi natukoy ang pangalan. 

vuukle comment

ALAN SANOY

BARANGAY MANTALOGNON

CAMP CRAME

CEBU

DALAGUETE

GINO URSUNAL

KAMATAYAN

KINILALA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with