Editor ginulpi ng utol ng mayor

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Gulpi-sarado ang ina­bot ng isang editor ng weekly newspaper sa utol ng alkalde sa harap mismo ng ilang mamamaha­yag at opisyal ng lokal na pamahalaan sa ginanap na media forum sa Sorsogon City, Sorsogon noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Roberto “Bobby” Labalan, editor ng Sorsogon Weekly at chairman ng National Union Of Journa­list of the Phil.( NUJP ) sa nasabing lungsod.

Samantala, kinondena naman ng Sorsogon Press Association ang ginawa ni Joseph Yap III, ka­patid ni Prieto-Diaz Mayor Jocely Yap-Lelis.

Naganap ang insi­dente bandang alas-7:15 ng u­maga matapos na dumalo ang mga mamamahayag kabilang na ang biktima sa Media Forum sa Tia Tinay Coffee Shop sa Sorsogon City kung saan panauhing pandangal si Sorsogon Governor Raul Lee.  

Ayon kay Labalan, nagalit si Yap matapos mabasa ang artikulo na kanyang sinulat kaugnay sa irigularidad ng implementasyon ng P3 milyong Pamana road project sa bayan ng Prieto–Diaz kung saan ito ang kontraktor.

Dito na kinompronta ni Yap ang biktima matapos makita sa nasabing okasyon kung saan nauwi sa gulpihan.

Samantalang tumang­gi namang magbigay ng pa­nig si Yap sa mga mamamahayag.

Show comments