^

Probinsiya

Mag-utol hulog sa balon, todas

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines  – Napaaga ang kamatayan ng mag-utol na batang lalaki matapos mahulog sa malalim na balon sa Barangay Sampaloc 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Raniel de Ramos, 7, Grade 1; at Reyreenz, 4, kapwa nakatira sa Purok de Villa sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon nina PO3 Pedrito Mendoza at PO2 Daniel Hernandez, huling namataang buhay ang mag-utol na naglalaro sa labas ng kanilang bahay kung saan nakalimutang pagsabihan ng kanilang ina na huwag lumayo. Magtatakip-silim na ay hindi pa umuuwi ang mag-utol kaya nagpatulong ang ina sa mga kapitbahay na hanapin ang kanyang dalawang anak. Gayon na lamang ang pananangis ni Rizalyn nang makita ang kanyang mga anak na nakalutang sa balon na may 250 metrong layo mula sa kanilang bahay.

BARANGAY SAMPALOC

DANIEL HERNANDEZ

GAYON

KINILALA

MAGTATAKIP

NAPAAGA

PEDRITO MENDOZA

PUROK

QUEZON

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with