Binata utas sa karibal

SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Selos ang pinaniniwalaang dahilan matapos na tadtarin ng saksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang kanyang karibal sa pag-ibig nang maaktuhan itong kasiping ng kanyang dating girlfriend sa loob ng bahay sa isang lugar dito kagabi.

Nagtamo ng sampung saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Gregorio Patayan 33, residente ng Area E, Sapang Palay sa nasabing bayan.

Kasalukuyan namang tinutugis ang suspek na si Robinson Tenedero, 29 ng Brgy. Sto. Cristo pawang sa siyudad na ito na mabilis na tumakas.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Danilo Desder dakong alas-11 ng gabi ay nagtungo ang suspek sa bahay ng kanyang dating girlfriend na si Lorelie Go, 31, sa Northgate Clasicca, Brgy. Sto. Cristo matapos na mabalitaang may iba na itong kinakasama.

Gayunman naaktuhan nitong magkasiping ang dalawa bunsod upang pagsasaksakin ang nasorpresang biktima na siya nitong ikinasawi. 

Show comments