2 dakma sa buy-bust

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Bumagsak na sa kamay ng pulisya at mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang notoryus na nagtutulak ng bawal na droga matapos madakma sa inilatag na buy-bust operation sa Happy Side Apatment Homes sa Barangay Balatas, Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na si Allan Salaver, 32, ng Barangay Caluang; at Kristoffer Palomares, 33, ng #55 San Roque, Calabanga, Camarines Sur. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu, marked money na P500 at motrosiklo na ginagamit sa kanilang modus operandi.

Show comments