QUEZON, Philippines - Isang araw bago pasinayaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang 7.5 KM na Candelaria bypass road ay nadilig na agad ito ng dugo matapos na banggain at kaladkarin ng pampasaherong bus ang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Patay agad sa pinangyarihan ng aksidente si Corazon Pasia ng San Juan, Batangas samantalang naisugod pa sa Candelaria District Hospital si Augusto Magpaye subalit namatay din.
Sa ulat ni P/Supt. Francisco Ebreo, chief of police, dakong alas-7 ng gabi nang makasalubong ng motorsiklo ang Raymund Bus ( EVL-993 ) ni Edmundo Terrano na patungong Lucena City, Quezon.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang motorsiklo at nakaladkadkung saan nalasog ang mga biktima.
Sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.