^

Probinsiya

6 dakma sa droga at baril

- Boy Cruz - The Philippine Star

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City – Anim-katao na sinasabing notoryus na drug pusher ang nadakma ng mga operatiba ng PDEA-Region 3 at pulisya sa tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Alipio Punzal, Jimwell Santiago, Pag-asa Diwa, Jozel Bernardo, ang magpinsang sina Larry Anonuevo, Roberto Matibag na kapwa nakatira sa Pabahay 2000, Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Base sa ulat, sina Punzal at Santiago ay nadakma sa inilatag na by-bust o­peration sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Norzagaray kung saan nakumpiskahan ng kalahating kilo na pinatuyong dahon ng marijuana.

Samantala, si Diwa ay nasamsaman ng dalawang kilong marijuana at si Bernardo naman ay dalawa at kalahating gramo ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Poblacion 2 sa bayan ng Marilao.

Sina Anonuevo at Matibag naman ay nasakote habang nagrerepak ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Muzon kung saan narekober rin ang pitong cal. 38 revolver, cal. 22, tatlong bala ng M-203 grenade launcher, motorsiklo at ibang gamit sa paggawa ng malalakas na kalibre ng baril.

vuukle comment

ALIPIO PUNZAL

BRGY

BULACAN

DIWA

JIMWELL SANTIAGO

JOZEL BERNARDO

LARRY ANONUEVO

MALOLOS CITY

MUZON

ROBERTO MATIBAG

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with