Abugado dedo sa ambush

 CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Niratrat at na­patay ang 58-anyos na abugado ng mga di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Sitio Bagacay, Barangay Nadawisan sa bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Atty. Necomedes Rodena, may asawa, ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan. Sa police report na nakarating kay  P/Senior Supt. Eriberto Olitoquit, naganap ang pananambang dakong alas-5:30 ng hapon habang ang biktima ay papauwi lulan ng sasakyan. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng M-16 Armalite Rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon. 

Show comments