Retiradong coast guard tinodas

QUEZON, Philippines - Napatay ang 68-anyos na retiradong coast guard matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang naglalakad sa bisinidad ng Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng umaga. Kinilala ni SPO1 Sherwin Bonsol ang biktima na si Renato Espulong, 68 ng nasabing barangay. Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalye na kalimitan na niyang ginagawa bilang ehersisyo nang lapitan at ratratin. Napuruhan sa ulo ang biktima habang palakad namang tumakas ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril.

Show comments