3-anyos natusta sa sunog
MANILA, Philippines - Natusta ang isang 3-anyos na batang lalaki makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Barangay Soledad, Mauban, Quezon kamakalawa ng hapon. Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Frederick Ocampo Benitez, sanhi ng grabeng pagkasunog. Sa ulat ng Quezon Police, dakong alas-2:40 ng hapon ng tupukin ng apoy ang tahanan ni Catalina Ocampo na matatagpuan sa Barangay Soledad, Mauban, Quezon. Ang apoy ay mabilis na kumalat kung saan nakulong sa ikalawang palapag sa loob ng silid ang 3-anyos na bata na noo’y kasalukuyang natutulog.
Naapula naman ang apoy bandang alas-3:50 ng hapon matapos na magresponde ang mga bumbero.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog at inaalam rin ang naging pinsala sa insidente.
- Latest
- Trending















