Mag-asawa patay sa landslide

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang mag-asawa habang nailigtas naman ang apat na anak matapos na maguhuan ng bundok ang kanilang tahanan sa Sitio Pangilatan sa Brgy. Cantao-an, Naga City, Cebu noong Martes ng gabi. Sa ulat ng National Disaster Risk Re­duction and Management Council, kinilala ang mag-asawa na sina Dionisio Villarmea, 42; at Juliana Villarmea, 47, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Samantala, nakaligtas naman ang mga anak na may edad 13, 10, 6 at 5 na pawang isinailalim sa custody ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Develop­ment sa Naga City. Bandang alas-6:20 ng gabi habang nag­hahandang matulog ang pamilya Villarmea nang bigla na lamang gumuho ang bundok at tumabon sa kanilang bahay.

Show comments