^

Probinsiya

Illegal mining sa Camarines Norte umaalagwa

- Ed Casulla - The Philippine Star

 LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Patuloy ang illegal mining sa Brgy. Pulangdaga sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kung saan sinasabing may basbas ng ilang opisyal ng provincial government.

Base sa liham ni Rio Paliza, presidente ng JCI-Paracale Ginituan na ipinadala sa Central Office ng MGB sa Quezon City, aabot sa 55,000 metric tones ng mineral iron ore ang illegal na kinakarga sa barkong Peace Angel mula sa China.

Kahit may ipinalabas na seizure and cease and desist order ng Mines and Geoscinces Bureau (MGB) Region 5 ay nag-isyu pa rin si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado ng mi­neral ore export  permit kahit walang kaukulang validation sa nasabing opisina.

Aabot sa 40 ektaryang lupain sa dalampasigan ng nabanggit na barangay ay unti-unting lumulubog dahil sa sinasabing illegal na pagmimina ng Baotong-Uni Dragon mining companies sa bayan ng Paracale.

Nagpaabot na rin ng reklamo ang mga residente kay DENR Sec. Ramon Jesus Paje kaugnay sa illegal small scale mining sa Barangay Napaod sa bayan ng Labo, Camarines Norte kung saan lantaran ang illegal shipment ng ironore sa Barangay Osmena sa bayan ng Jose Panganiban.

Pinaniniwalaang binabalewala ng ilang opisyal ng provincial government ang ipinalabas na E-79 ni President Benigno Aquino III laban sa illegal na pagmimina.

  

BARANGAY NAPAOD

BARANGAY OSMENA

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

CENTRAL OFFICE

JOSE PANGANIBAN

MINES AND GEOSCINCES BUREAU

PARACALE

PARACALE GINITUAN

PEACE ANGEL

PRESIDENT BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with