^

Probinsiya

2 preso nakapuga sa court hearing

- Boy Cruz - The Philippine Star

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang tatlong jailguard matapos makapuga ang dalawang preso na may kasong robbery/hold-up habang nasa court hearing sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga.

Inilatag na ang malawa­kang manhunt operation ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. laban sa dalawang presong sina Michael Cortez ng Brgy. Sta. Inez, Mabalacat, Pampanga; at Russel Arceo ng Road 10, Sapang Palay sa San Jose Del Monte City, Bulacan, kapwa sangkot sa panghoholdap sa sangay ng LBC remittance center sa Barangay Gabriel, Malolos City noong Disyembre 2011.

Lumilitaw na habang hinihintay ang pagdating ni Judge Renato Francisco sa Malolos City Regional Trial Court Branch 19 ay nakaupo na ang dalawang akusado para sa preliminary hearing kung saan nakabantay naman ang tatlong jail guard mula sa Angeles City, Pampanga Provincial Jail.

Gayon pa man, nagpaalam ang dalawa na may kukuning ilang dokumento sa labas ng korte kaya sinamahan naman ng mga jailguard.

Dito na sinamantala ng da­lawa na agawin ang dalawang baril ng jailguard bago tuluyang tumakas matapos wasakin ang bintana ng isa sa silid ng hukuman.

Narekober naman ang motorsiklong ginamit ng dalawa sa Barangay Taal sa bayan ng Bocaue kung saan kinomander naman ang sasakyang patungo sa mga bayan ng Sta. Maria at San Jose Del Monte City.

ANGELES CITY

BARANGAY GABRIEL

BARANGAY TAAL

BULACAN

CITY

FERNANDO MENDEZ JR.

JUDGE RENATO FRANCISCO

MALOLOS CITY

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with