6 dakma sa pot session

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang anim-katao kabilang ang dalawang babae makaraang masakote ng pulisya sa pot session sa Barangay Guijo sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Heracleo Barrameda, Jerwin Saulong, Mark Louis Esman, Michael Espino, Nathalie Cersaria, at si Ma. Lourdes Mamasig. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, ang mga suspek ay naaktuhan sa post session sa bahay ni Barrameda sa nabanggit na barangay. Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Show comments