^

Probinsiya

Totoy tinahi ang bibig, pinutulan ng mga daliri

- Michelle Zoleta - The Philippine Star

STO. TOMAS, Batanga, Philippines s – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na totoy na sinasabing special child matapos itong pagtatagain ay tinahi pa ang bibig, dibdib at pinutulan pa ng apat na daliri bago isinilid sa drainage sa loob ng ginagawang subdibisyon sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas noong Martes ng tanghali.

Ayon kay P/Chief Ins­pector Manuel Castillo, officer-in-charge ng Sto. Tomas PNP, nakilala ang biktima na si Manuel Anacan Jr. ng Kursilyo House, Barangay 3, Poblacion sa nabanggit na bayan.

Base sa police report, ganap na alas -12: 45 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Anacan na naaagnas na at halos hindi na makilala sa nasabing subdibisyon malapit sa kanilang lugar kung saan lumalabas na halos 3 araw na itong patay.

Sa salaysay ng tumatayong ama nito na si Manuel Lariza, noong Linggo (Agosto 19) hu­ling namataang buhay ang biktima ganap na alas-4:30 ng hapon kasama ang kaibigan nito na si Ronnel Badion at kapatid na si Michael.

Habang nanonood ng telebisyon ang tatlo sa bahay ng kaibigan, nagpaalam ang biktima at simula noon ay hindi na ito nakita pang muli.

Sa resulta ng awtopsiya ng crime laboratory, ang biktima ay may tahi sa dibdib gayundin ang bibig nito.

May palatandaang pinahirapan pa ang biktima sa pamamagitan ng mga taga nito sa apat na daliri na halos matanggal na sa kamay nito.

“Pinarusahan ng maigi, lahat ng pahirap ginawa.Tinaga, pinutulan ng daliri, tinahi ang bibig, di tao ang gagawa nun, demonyo ang gumawa sa kapatid ko,” pahayag ni Marites Paresa, ate ng biktima.

Noong nakalipas na taon, nagkaroon ng rekord ang biktima na sinasabing may pagka-abnormal ng kasong pagnanakaw kaya kinainisan ito ng ilang barangay tanod at ilang opisyal ng barangay kung saan natagpuan ang biktima sa may Tanauan, Batangas kaya binalikan niyang kasuhan ang mga nagtangka na siya ay paslangin at pagmalupitan.

Humihingi naman ang pamilya ng biktima na sana ay mabigyan ng katarungan ang kalunus-lunos na sinapit ng biktima sa kamay ng di pa nakikilalang salarin.

vuukle comment

BATANGAS

BIKTIMA

CHIEF INS

KURSILYO HOUSE

MANUEL ANACAN JR.

MANUEL CASTILLO

MANUEL LARIZA

MARITES PARESA

RONNEL BADION

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with