Negosyanteng misis itinumba

QUEZON, Philippines – Napatay ang 56-anyos na negosyanteng misis matapos ratratin ng di-kilalang lalaki sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Agos sa bayan ng Infante, Quezon, kamakalawa ng gabi. Pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Angelina Crisostomo habang patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng gunman. Sa imbestigasyon ni PO3 Aurelio Turing, papasok na sana ang biktima sa gate ng kanyang tahanan mula sa pag-aaring tindahan nang lapitan at pagbabarilin. Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo sa naganap na pamamaslang.

Show comments