Tulak grabe sa shootout

BULACAN, Philippines - Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang 40-anyos na lalaking notoryus na tulak ng bawal na droga matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Naisugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte ang nabaril na si Juanito Faa Jr. habang dinakma naman ang live-in partner nitong si Lorille Dela Cruz na kapwa nakatira sa Area B, Barangay Bagong Buhay 1 sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ni P/Supt. Reniel Valones, isisilbi sana ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Olivia Escubio-Samar ng Malolos City Regional Trial Court Branch 79 sa kasong murder nang makipagbarilan si Faa sa labas ng kanyang bahay. Nasamsam sa bahay ng magka-live-in ang 28 plastic sachet ng shabu, ilang drug paraphernalia, cal. 22 revolver at iba’t ibang uri ng bala.

Show comments