^

Probinsiya

7 nalason sa butete

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pito-katao kabilang ang tatlong menor-de-edad ang nalason matapos mag-almusal ng isdang butete sa Barangay Hilotongan, Bantayan  Island, Cebu noong Sabado ng umaga.

Kabilang sa mga biktimang isinugod sa Bantayan District Hospital ay sina Alejandro Minguito, 51; Alvin Minguito,13; Rich Kay Minguito Rayco,11; John Vincent Minguito, 9; Dionisio Abrasada, 53; Joseph Abrasada, 33; at si Joel Abrasada, 23.

Bandang alas-8 ng umaga nang bumili si Alejandro ng ilang piraso ng isdang butete sa vendor na si Glen “Dodong” Orpil at niluto para pang-almusal.

Gayon pa man, dalawang oras matapos mag-almusal ay nakaranas ng matin­ding pananakit ng ulo, tiyan, pagsusuka, pagkahilo at pamamanhid ng katawan ang mga biktima.

Ayon kay PO2 Lou Susvilla, si Alejandro na nangisda muna matapos kumain ng butete kasama sina Dio­niso at Joseph sa Barangay Hagnaya sa bayan ng San Remigio nang magsimulang magsuka at mahilo.

Bunga nito ay mabilis na isinugod ang mga biktima sa Bantayan District Hospital kung saan nakumpirmang nalason sa pagkain ng nasabing isda.

Nabatid na ang isdang butete ay ipinagbabawal kainin dahil sa taglay nitong toxin na posibleng ikamatay ng mga taong kakain nito lalo na kapag hindi naagapan. 

vuukle comment

ALEJANDRO

ALEJANDRO MINGUITO

ALVIN MINGUITO

BANTAYAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY HAGNAYA

BARANGAY HILOTONGAN

DIONISIO ABRASADA

JOEL ABRASADA

JOHN VINCENT MINGUITO

JOSEPH ABRASADA

LOU SUSVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with