2 dakma sa pangingikil

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki na nagpakilalang mediamen at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos arestuhin ng pulisya sa kasong pangingikil sa operator ng pasugalan sa Barangay Estenfania sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa. Pormal na pinakasuhan ni P/Senior Supt. Mao Aplasca ang mga suspek na sina Albert Dulay, 57, ng Aringay, La Union; at Leo Ferrer, 56, ng Barangay Bonifacio sa bayan ng Diffun, Quirino, kapwa nagpakilalang reporter ng Manila Star at Tanyag. Ang dalawa ay inaresto ni SPO1 Marino Sabrino matapos magreklamo ang may-ari ng peryahan na si Belen Gazzingan kaugnay sa pangingikil.

Show comments