2 patay sa karambola ng sasakyan

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines – Dalawang lalaki ang kapwa namatay habang tatlong iba pa ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Castellano ng bayang ito, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Se­nior Supt. Walter Castillejos, Provincial Director ng Nueva Ecija Police, ang dalawang nasawi na sina Amparo Villaflor, 32-anyos, binata ng Barangay Papaya, San Antonio, Nueva Ecija; at Bonifacio Ojano, 51-anyos, may-asawa ng Abulog, Cagayan. Isinugod naman sa Dr. Gloria D. Lacson Hospital dito, ang mga sugatang sina Bheejay Ojano at Arjay Orlina at Wilson Nazar, 19, binata ng Cabiao, Nueva Ecija. Sa imbestigasyon, nabatid na sakay ng Mitsubishi Strada pick-up (PQL-910) sina Bheejay, Arjay at nasawing si Bonifacio, kasama ang dalawa pang iba na hindi naman nasaktan, at patungo sa Metro Manila ng makabanggaan ang kasalubong na six-wheeler Fuso truck (ZPS-292) at motorsiklong Honda.

Show comments