^

Probinsiya

2 tribal chieftain nilikida

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang lider ng tribo ang pinaslang ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos tambangan sa Marilog District, Davao City nitong Biyernes.

Kinilala ni Col. Lyndon Paniza, Spokesman ng Army’s 10thInfantry Division (ID) ang panibagong biktima na sina Datu Causing Ogao, 60-anyos at Rodolfo Latakin, 64; pawang lider ng kanilang tribo sa komunidad ng Brgy. Salaysay, Marilog District ng lungsod na ito. Ang mga ito ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa katawan na siya nilang dagliang ikinamatay.

Sa nasabing insidente ay nasugatan rin si Kem Ogao, anak ni Datu Causing na nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Southern Philippines Medical Center.

Bandang alas-4 ng hapon nang pagbabarilin ng apat na armadong rebelde ang mga biktima sa kahabaan ng Sitio Lower Malapange, Brgy. Salaysay, Marilog District ng lungsod matapos na harangin ang motorsiklong sinasakyan ng mga ito.

Kaugnay nito, ibinulgar ni Paniza na ang mga rebeldeng NPA ang nasa likod sa serye ng pamamaslang sa mga lider ng mga tribo sa Eastern Mindanao na kasama umano sa ‘game plan’ ng rebeldeng kilusan na patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad.

BRGY

DATU CAUSING

DATU CAUSING OGAO

DAVAO CITY

EASTERN MINDANAO

KEM OGAO

LYNDON PANIZA

MARILOG DISTRICT

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with