2 arestado sa drug bust

BULACAN, Philippines – Dalawang kalalakihan na sinasabing notoryus na tulak ng bawal na droga ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Hector Samar, ang suspek na si Joseph Paul “Epoy” Jimena 27, tatoo artist, ng Barangay Pandayan ay naaresto sa kanilang barangay matapos makumpiskahan ng 3-plastic sachet ng shabu habang si Loreno “Loot” De Castro, 38, ng Bancal Extension, Barangay Bancal sa Meycauayan City ay nadakma naman sa paradahan ng traysikel sa Barangay Poblacion kung saan nakumpiskahan ng 5 plastic sachet ng shabu.

Show comments