Van sumalpok sa railing: 16 sugatan

MANILA, Philippines - Labing-anim na sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang bumangga ang van sa barandilya ng highway sa Barangay Lawaguin sa bayan ng Nagcarlan, Laguna kamakalawa. Kabilang sa mga nasugatan na naisugod sa Nagcarlan District Hospital ay sina Evelyn Colegio, 43; Lea Castillo, 26; Jennifer Cormita, 25; Lourdes Base, 28; Joel Aguila, 32; Maria Lyn Gueta, 30; Michill Coronado, 31; Edgar Pastorfide, 36; Kuthlyn Cordial, 29; Rosalie Chipongian, 65; at anim na iba pa. Sa ulat ni P/Supt. Chito Bersaluna, spokesman ng Laguna PNP, lumilitaw na nawalan ng preno ang Foto van (PQH669) ni Mario Ortega na patungong Calamba City kaya nagtuluy-tuloy na sumalpok sa railing ng highway. Kalaboso naman ang driver ng van na ngayo’y nahaharap sa kasong serious physical injuries at damage to property.

Show comments