21-anyos lalaki pinalutang sa ilog

CAVITE, Philippines  – Pinalutang sa ilog ang 21-anyos na lalaki na sinasabing biktima ng summary execution sa bahagi ng Rodeo Hills, Barangay Manga 2 sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulis­ya ang biktima na si Miguelito Midel ng Barangay Dagatan sa bayan ng Amadeo, Cavite. Sa ulat ni PO1 Rene Buisa, nakagapos ang mga kamay ng biktima saka itinapon sa ilog kung saan lumutang naman ang bangkay nito. Pinaniniwalaang pinatay sa ibang bayan ang biktima saka itinapon sa nasabing barangay para iligaw ang mga imbestigador ng pulis­ya.

Show comments