Mag-utol na trader dedo sa akyat-bahay
MANILA, Philippines - Napaslang ang magkapatid na matandang negosyante makaraang pagsasaksakin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing notoryus na miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur kamakalawa.
Nagtamo ng dalawang malalim na saksak sa katawan si Helen More Consigra, 62, habang ang kapatid nitong si Rosalina More Janohan, 51, ay may walong saksak at kapwa magkasosyo sa sari-sari store at gold buying.
Sa ulat na nakarating kay Caraga spokesman P/Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente pasado alas-7 ng gabi sa tindahan ng magkapatid sa Brgy. Bolhoon.
Sinamantala ng mga kawatan ang malakas na buhos ng ulan nang pasukin ang sari-sari store ng mga biktima saka nagdeklara ng holdap.
Nanlaban naman ang magkapatid kaya nairita ang mga suspek at isinagawa ang krimen.
Mabilis na nagsitakas ang mga kawatan tangay ang P.3 milyong cash, tatlong sako ng bigas at iba pang groceries.
- Latest
- Trending