^

Probinsiya

Barangay councilor itinumba

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines - Napatay ang 49-anyos na konsehal ng barangay matapos na barilin ng kanyang kaalitang kapitbahay sa Barangay Batabat Norte sa bayan ng Buenavista, Quezon kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Zosimo Cabida habang nasakote naman ang isa sa suspek na si Daniel Leogo, 65. Kasalukuyan namang tinutugis ng pulsya ang isa pang suspek na si Leo Ramos. Sa ulat ni SPO1 Eugenio Antes Jr., nakipagkita sa suspek ang misis ng biktima na si Luvella Cabida sa barangay hall upang ayusin ang alitan laban sa kanyang mister. Sa halip na makipag-ayos ay tumanggi ang suspek kung saan sinundan pa nito si Luvella. Tinangkang barilin ng suspek ang anak ng biktima subalit pumalya ang baril kaya lumabas ng bahay dahil sa komusyon. Dito na natiyempuhang barilin ng suspek ang biktima.

vuukle comment

BARANGAY BATABAT NORTE

BUENAVISTA

DANIEL LEOGO

DITO

EUGENIO ANTES JR.

KASALUKUYAN

LEO RAMOS

LUVELLA

LUVELLA CABIDA

ZOSIMO CABIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with