Lola pisak sa tren

CAMARINES  NORTE­, Philippines - Naitala ang ika -12 biktima ng Philippine National Railways – Bicol Express makaraang masagasaan ang 65-anyos na lola habang ito ay tumatawid sa riles sa bahagi ng Brgy. Anayan sa bayan ng Pili, Camarines Sur kahapon ng umaga. Sa ulat, bandang alas-10 ng umaga, nakaladkad ang biktimang si Lola Iluminada Galvan ng Brgy. Sagrada matapos mahagip ng tren na minamaneho ni Gilbert Sanchez ng Brgy. Pamukid sa bayan ng San Fernando. Ayon kay P/Chief Insp. Ve­nerando Ramirez, ang biktima ay sinasabing may deprensya sa pandinig kaya hindi nito namalayan ang pagdating ng tren.

Show comments