3-anyos pisak sa trak

QUEZON, Philippines - Napisak ang katawan ng 3-anyos na batang babae matapos na masagasaan ng 10-wheeler truck sa Barangay Cambuga sa bayan ng Mulanay, Quezon kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Alyzza Linggahan ng San Narciso, Quezon. Ayon kay PO3 Noel Palmiano, lumilitaw na biglang tumawid ang biktimang naglalaro sa tabi ng highway kaya nahagip ng trak (WBA 855) ni Bren Cartacutan, 48, ng Quezon City. Kasalukuyang nasa kustodya ng pulisya ang driver na sinasabing patungo sana sa bayan ng Gumaca, Quezon para magdeliber ng bigas.

Show comments