Comelec officer pinabulagta ng tandem

AURORA, Philippines – Napaslang ang 51-anyos na opisyal ng Commission on Elections (Comelec) matapos barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Tres sa bayan ng Maria Aurora, Aurora noong Sabado ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Romualdo “Waldo” Palispis, assistant Comelec officer sa bayan ng Maria Aurora.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naggigitara ang biktima sa loob ng kanilang tahanan nang lapitan at barilin ng di-kilalang lalaki.

Nagulantang naman ang kanyang misis na nasa loob ng kanilang kuwarto kaya kaagad na lumabas at namataan ang biktima na duguang nakalugmok sa sahig.

Mabilis namang nakatakas ang gunmen kasama ang isa pa lulan ng motorsiklo.

Naisugod pa sa Maria Aurora Community Hospital ang biktima subalit idinekla­rang patay habang nakatulala naman ang asawa dahil sa naganap na pamamaslang sa kanyang mister.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa nalalapit na mid-term elections ang krimen.

Show comments