Principal niratrat sa school

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 40-anyos na punong guro matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang opisina sa San Juan Elementary School sa Bacon District, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Naisugod sa Sorsogon Doctors Hospital matapos tamaan sa ulo at katawan ang bikitmang si Romeo Diamsen ng Barangay Macabog ng nasabing lungsod. Naganap ang pamamaril habang ang biktima ay abala sa mga ginagawang ulat sa loob ng kanyang opisina. Ayon sa police report, naging panauhing pandangal ang biktima sa idinaos na Alumni Homecoming ng mga dating estudyante sa nasabing eskuwelahan kung saan nagsalita pa ito bago tumungo sa kanyang opisina.

Show comments