^

Probinsiya

Kasalan nauwi sa kamatayan

- Malu Manar - The Philippine Star

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Sa halip na masayang kasalan, paglalamayan ang 31-anyos na dalaga sa kanilang tahanan sa Brgy. Nueva Vida sa bayan ng M’lang, North Cotabato.

Ngayon ang kasal sana ni Analyn Ecalla sa kanyang nob­yo na si Joelnel Parmisano, 31, na may walong taon silang magkasintahan bago nagpasya na magpakasal.

Ayon kay Parmisano, nakaramdam ng paghilab ng tiyan si Analyn na 7-buwang buntis kung saan noong una ay binalewala.

Subalit tumindi ang sakit ng tiyan kaya napilitang isugod sa Makilala Medical Specialist Center sa bayan sa Makilala.

Bandang alas-5 ng ha­pon, nalagutan ng hininga si Ecalla na sinasabing nagka-eclampsia ang dalaga kung saan tumaas ang blood pressure, dala ng maselan nitong pagbubuntis.

Mas lalo pang nadagdagan ang sakit sa dibdib ni Parmisano nang malamang ‘di nailigtas maging ang kanilang anak sa sinapupunan ni Analyn.

Ilan sa mga kamag-anak ng magnobyo ay dumayo pa sa bayan ng M’lang para lang saksihan sana ang kasal kamakalawa.

Subalit ‘di nila inakala na mauuwi sa trahedya ang sana ay masayang kasalan, ayon sa kuya ni Analyn na si Allan Ecalla.

Nakatakdang ihatid sa hu­ling hantungan sa susunod na linggo ang mga labi ng mag-ina ni Parmisano.

ALLAN ECALLA

ANALYN

ANALYN ECALLA

AYON

JOELNEL PARMISANO

MAKILALA MEDICAL SPECIALIST CENTER

NORTH COTABATO

NUEVA VIDA

PARMISANO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with