Manila, Philippines - Isang retiradong police colonel at isang aktibong pulis ang napatay habang dalawa pa ang nasugatan matapos ang mga itong tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa isang minahan sa Kiblawan, Davao del Sur nitong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang mga nasa- wing biktima na sina PO2 Rey Tonzo, dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong tama ng bala sa leeg habang binawian naman ng buhay sa pagamutan si ret. Supt. Villamindo Hectin.
Si Hectin ay security consultant ng Sagittarius Mines Inc, isang kumpanya ng minahan na kabilang sa Tampakan Copper – Gold Project sa Kiblawan.
Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina SPO1 Wenefredo Sengonigue at PO1 Glen Beltan; pawang kasapi ng Davao del Sur Public Safety Command; pawang isinugod na sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Ayon kay Col. Lyndon Paniza, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID) naganap ang insidente sa exploration site ng minahan sa Brgy. Kimlawis, Kiblawan ng nasabing lalawigan pasado ala-1 ng hapon.
Base sa imbestigasyon, bigla na lamang pinaulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang mga biktima na lulan ng kanilang behikulo habang nagsasagawa ng roving patrol sa minahan sa naturang lugar.
Nagkataon namang naki-hitch ride si Hectin sa nasa-bing mga pulis patungo sana sa SMI extension office nang mangyari ang insidente. Pa-tuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.