^

Probinsiya

Principal kinidnap sa eskuwelahan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang officer-in-charge principal sa high school sa Barangay Hinigdaan, El Salvador City, Misamis Oriental kamakalawa.

Kinilala ni Police Community Relations Group Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. ang biktima na si Erwin Respito ng Hinigdaan National High School.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas- 4:30 ng hapon nang kidnapin ang biktima sa bisinidad ng nasabing eskuwelahan.

Sinasabing hindi nakapalag ang biktima matapos itong tutukan ng baril at puwersahang isakay sa minivan na walang plaka kung saan may convoy pang motorsiklo.

Ayon kay P/Chief Supt. Jufel Adriatico, director ng PNP regional office 10. Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng resbak o paghihiganti sa biktima sa kinasangkutan nitong qualified seduction sa isang menor-de-edad laban sa estudyante ng nasabing paaralan.

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

BARANGAY HINIGDAAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

EL SALVADOR CITY

ERWIN RESPITO

HINIGDAAN NATIONAL HIGH SCHOOL

JUFEL ADRIATICO

MISAMIS ORIENTAL

POLICE COMMUNITY RELATIONS GROUP DIRECTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with