Sekyu todas sa agaw-armas

CAVITE, Philippines – Binaril at napatay ang 41-anyos na security guard ng di-kilalang lalaki na sinasabing agaw-armas sa  Maryhomes Subd., Barangay Molino 4 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Bero Rendal, security guard ng Crossline Security Guard Agency  at nakatira sa Block 11,Lot 96 Phase 4, Cityhomes Subd.. sa nasabing barangay. Lumilitaw na naka-duty ang biktima sa gate 1 ng nasabing subdibisyon nang lapitan at barilin.Tinangay pa ng gunman ang baril ng biktima bago tumakas sa hindi nabatid na direksyon.

Show comments