12-anyos dedo sa trak

BATANGAS, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 12-anyos na batang lalaki habang sugatan naman ang dalawa nitong kasama matapos masagasaan ng truck sa gilid ng highway sa Barangay Tambo, Lipa City, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Rallion Bautista habang naisugod naman sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City ang mga sugatang sina Neil Christian Casumbal, 1; at Rutchell Bautista, 11, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng trak na si Celestino Bautista, 51, ng Barangay Gumamela, Balayan, Batangas. Nabatid sa ulat na nawalan ng preno ang 10-wheeler truck (DBV536) ni Bautista kaya inararo ang mga biktima na nakatayo lamang sa tindahan ng litson.

Show comments