^

Probinsiya

Lolo na mahilig dedo sa Viagra

- Michelle Zoleta - The Philippine Star

BATANGAS, Philippines   - Sa paghahangad na maging matikas sa pakikipagtalik sa natipuhang babae ay nakasalubong ni kamatayan ang 64-anyos na lolo sa loob ng motel matapos itong lumaklak ng viagra na sinasabing pampagana sa sex kamakalawa ng gabi sa Barangay Lodlod sa Lipa City, Batangas.

Ayon kay P/Chief  Supt. Christopher Birung, hepe ng pulisya, nakilala ang nasawi na si Ruperto Peña, naninirahan sa Barangay Pinagtung-ulan sa bayan ng San Jose, Batangas.

Bandang alas-8:30 ng umaga noong Sabado, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang manager  ng Lucky 9M motorist lodge na si Alberto Aranda at sinabi na natapuan nila ang bangkay ni Peña.

Sa inisyal na pagsisiyasat,  nagsagawa ng inspection si Reggie Guimong, bellboy sa motel nang mapatapat sa Room 16 sa kinaroroonan ng biktima.

Biglang kinabahan si Guimong dahil walang tugon mula sa loob ng nasabing silid kaya pinilit nitong buksan ang pinto.

Tumambad kay Guimong ang bangkay ng matandang lalaki nakahandusay sa sahig.

Narekober ng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang white plastic container na may 6 na kapsula na pinanininiwalaang viagra.

Gayon pa man, upang matiyak, dinala kaagad ng mga imbestigador sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang naturang kapsula para suriin.

Dagdag pa ng pulisya, nag-check in si Peña kasama ang isang ’di-kilalang babae noong nakaraang Huwebes at mula noon ay hindi na ito lumabas sa loob ng silid.

Sa kasalukuyan ay nakalagak ang labi ng biktima sa Funeraria Jun Du San Jose, Batangas para isailalim sa post mortem examination.

vuukle comment

ALBERTO ARANDA

BARANGAY LODLOD

BARANGAY PINAGTUNG

BATANGAS

CHRISTOPHER BIRUNG

FUNERARIA JUN DU SAN JOSE

GUIMONG

LIPA CITY

REGGIE GUIMONG

RUPERTO PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with