Mister, misis nagbigti

Quezon, Philippines — Pinaniniwalaang pro­blema sa pana-nalapi sa kani-kanilang pamilya kaya nag­ bigti ang isang mister at misis sa magkahiwalay na insidente ng suicide sa mga bayan ng Candelaria at Sariaya, Quezon kamakalawa. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Aurelio Almares, 52, sa kisame ng kanilang bahay. Sa ulat ng pulisya, bago ang pagpapatiwakal ni Almares ay nakipagtalo ito sa kanyang ka-live-in na si Lyra Peregrin tungkol sa problema nila sa pananalapi. Kasunod nito, dakong alas-10:30 naman ng gabi nang matagpuang nakabigti si Glenn Mayuga, 21, ng kanyang mister na si Sherwin sa kisame din ng bahay. Nagtalo din ang mag-asawa tungkol sa pananalapi.

Show comments