^

Probinsiya

Negosyante nagpakalunod sa dagat

- The Philippine Star

CEBU CITY, Philippines – Pinanini-walaang matinding problema sa ilang negosyo ang moti­bo kaya kusang nagpasulong kay kamatayan ang 39-anyos na negos­yanteng misis matapos mag-dive sa dagat mula sa sinasakyang barko malapit sa Camotes is­ land noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng kanyang utol na si Ma. Gladys Teves, 41, ang nag-suicide na si Ma. Gretel Enas, miyembro ng Phil. Benevolent Missiona-ries Association (PBMA) at may negosyong bigasan at Internet café sa Barangay Guizo at may tatlong anak na 3, 4, at 7-anyos.

Nabatid na si Enas ay patungo sana sa San Jose, Dinagat Island sa Surigao lulan ng M/V Pilipinas Dinagat na pag-aari ng Cokaliong Shipping.

Napag-alamang tinangkang tumalon ni Enas sa unang pagkakataon subalit napigilan lamang ng ilang crew ng barko.

Bandang alas-3 ng ma­daling-araw, hindi na napansin ng mga pahinante ng barko na tuluyang tumalon muli si Enas sa karagatan.

Nabatid din na bago uma­lis ang biktima ay naikuwento nito sa kanyang utol na mara-ming naiinggit sa kanyang  rice business at internet café.

Narekober naman ang bangkay ng biktima sa ka­ra­ gatan ng Hilongos sa Leyte kahapon ng umaga. Freeman News Service

BARANGAY GUIZO

BENEVOLENT MISSIONA

COKALIONG SHIPPING

DINAGAT ISLAND

ENAS

FREEMAN NEWS SERVICE

GLADYS TEVES

GRETEL ENAS

NABATID

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with